Martes, Hunyo 19, 2012
Year 7 of Hataw Superbodies
August 27 na po gaganapin ang Year 7 ng Hataw Superbodies, gaganapin ito sa Metro Bar West Avenue, Quezon City.. Tatampukan ng mga bituin na sina Frnacine Prieto as Residence Host, Sexy Star Iwa Moto, Movie Writer/Radio Announcer Richard Pinlac and a lot..
Sa mga gustong bumili ng tiket ng Hataw Superbodies, puwede kayong tumawag mismo sa akin sa CP 0933-3527079
Sabado, Hunyo 9, 2012
Iwa Moto, May Hawak na isang alas, laban kay Jodi Sta. Maria
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgd8kJjQLf3Iu2jLXuEJw7aioyPKAIATprak0pbZQQ6fH6D5LzkORn0ccJpYMaEezsVeJnnKLipEgXqSzcURWoGNUq1HzQ9j44Y6i-WBh50jicvI-E07UvuNe4uZ67SGiuMRGHnHdCJI64/s320/Picture+823.jpg)
Hawak ni Iwa Moto ang isang malaking ebidensya laban kay Jodi Sta Maria
Bumubula ang bibig ni Iwa Moto nung nakaraan makapanayam namin siya sa back stage ng Paparazzi sa Tv-5.
Sentro ngayon ng isang malaking intriga ang sexy actress dahil sa bago nitong karelasyon na si Pampi lacson na Anak ni Senator Ping Lacson at dating asawa ni Jodi Sta Maria.
Nakarating na sa kaalaman ni Iwa na hindi daw pabor si Jodi sa relasyon nilang dalawa ni Pampi.
May nagsabi pa na diumano ay nakukonsulta ngayon si Jodi sa isang abogado tungkol sa relasyon nila.
Dahil kasal nga naman si Jodi sa dating asawa kaya may karapatan pa rin ito sa dating asawa kaya umusok sa galit si Iwa.
Nagpakawala si Iwa ng salita na parang naghahamon kay Jodi.
"Alamo huwag akong takutin ni Jodi, dahil kilala ko siya at may hawak akong isang malaking ebidensya na magpapatunay talaga na nagkaroon sila ng relasyon noon ni Mickey Ablan na noon ay karelasyon ko pa.
Nagbulagbulagan ako noon dahil ayoko na lumaki pa lalo ang isyu na ito. Nanahimik ako ng dalawang taon para lang walang madamay.
"Pero ngayon, ako na mismo ang nagsasabi na kung gusto talaga ni Jodi na maglabasan kami ng baho namin, ay hindi ko siya uurungan.
"Nakarecord ang pag-uusap nina Jodi at Mickey noon nagkaharap harap kami na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang nasabing tape kaya hindi siya makakapg deny na wala silang relasyon ni Mickey noon.
"So, sana kung ayaw na ni Jodi na humaba pa ang isyung ito huwag na sana siyang magsalita pa ng kung-anu-ano dahil siya ang may utang sa akin na ngayon lang ako naniningil.
"Siya ang may malaking atraso sa akin dahil siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ng aking boyfriend noon. Pahayag ni Iwa.
Palaban na paolaban ang dating ni Iwa kaya kung papatulan ni Jodi ng isyung ito siguradong hahaba ito at baka nga mauwi pa ito sa husgado. Anyway abangan na lang natin ang away na ito nina Jodi at Iwa.
Sabado, Hunyo 2, 2012
Masayang Outing ng Officers and Members of Phil. Movie Press Club (PMPC)
Ang napakasayang outing ng PMPC, Phil Movie Press Club sa Hannah's Resort sa Pagudpod Ilocos Norte.
Maraming-maraming salamat sa mga kaibigan namin na tumulong para maging masaya ang aming Outing sa Pagudpod. Maraming Salamat kay Senator. Bong-Bong Marcos at sa mismong my-ari ng Hannah's Resort..
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)