Powered By Blogger

Martes, Mayo 8, 2012




Tagumpay  na naidaos ang launching ng  official PMPC Website (www.pmpcstarnews.com) na kung saan ay panauhing pandangal si Laguna Governor ER Ejercito, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito at NPC President Jerry Yap na ginanap sa Zirkoh, Morato nu’ng May 5.
Nagkaroon din ng contract signing ang PMPC at ang  Global Advertising Digital On Line Network Publishing Center (Gadon PC) ni Atty. Lorenzo Gadon. Ang web master ay si Jojo Villaraza.
After ng PMPC website launching ay nag-umpisa na rin ang fund raising show ng club entitled “All for the Love of Juan’ na pinangungunahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Steven Silva, Michael Pangilinan, Dk Valdez, Divalet at Frontmen.
Hinahanap naman si Albie Casino ng kanyang mga fans na hindi nakasipot dahil bugbog-sarado ang mukha  nito na naganap sa may Fiamma Bar sa Makati. Naiintindihan   ng club ang kalagayan ni Albie lalo’t may mga larawang lumabas na halos sirain ang kanyang guwapong mukha.
Sulit na sulit naman ang mga manonood sa show nu’ng gabing ‘yun lalung-lalo na nang umakyat na sa stage sina Jose at Wally. Total performer talaga ang dalawang komedyante at hindi sila iniwan ng audience kahit na inabot ng almost 3 a.m. ang show. Super success ang show. Imagine, marami pa ang gustong makapasok ng Zirkoh kahit 1 a.m. para lang mapanood sina Wally at Jose kaya lang wala na talagang mauupuan dahil apaw na apaw na ang loob ng venue sa sobrang dami ng tao.
Paglabas ng mga tao, lahat ay nakangiti at may mga nagsasabi pang sumakit ang tiyan at nangalay ang kanilang panga sa katatawa dahil sa mga batuhan ng kanta nina Jose at Wally. Ibang klase talaga ang dalawang ito, wala kaming masabi.
Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Philippine Movie Press Club, Inc. kina Jose, Wally, Toni, Rocco, Steven, Michael, DK, Divalet at Frontmen dahil hindi nila binigo ang club sa pagbibigay saya nu’ng gabing ‘yun sa mga manonood.
 Maraming salamat sa mga sponsors ng 'All for the Love of Juan' na sina Gov. ER Ejercito, Gov. Vilma Santos, ABS- CBN Corp PR , Zaldy Aquino, Glutamax, Noel Ferrer , Hannah Beach Resorts- Pagudpud,  Meister Watch.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento